Isang gabay para sa mga magulang
Pakikipag-usap sa mga Bata ng tungkol sa Lahi
Ginawang posible sa pagpopondo mula sa CT Humanities & Graustein Memorial Fund.
Sa simula ng krisis ng COVID-19, pinagtuunan ng mga pag-atakeng nauugnay sa lahi ang mga komunidad ng Asyanong Amerikano at Asyano sa buong mundo. Ang mga anak na Asyanong Amerikano ay naharap din sa mga insidente ng pambu-bully na nauugnay sa lahi na konektado sa COVID. Upang ganap na maunawaan ang kasalukuyang kalagayan at ang pag-usbong ng karahasan laban sa Asyano, dapat nating higit pang bigyang-pansin ang pagkakakilanlan ng Asyanong Amerikano, ang mga pinagmulan ng rasismo laban sa Asyano, at magsagawa ng mga pag-uusap sa mga bata gamit ang mga pamamaraang nakabatay sa kaalaman sa trauma.
Ang Immigrant History Initiative, sa pakikipagtulungan ng Parents for Diversity, Equity, and Inclusion of West Hartford, CT, at ni Dr. Jenny Wang, ay bumuo ng isang workshop tungkol sa pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa pagkakakilanlan ng Asyanong Amerikano at rasismo. Ang gabay na ito ay sumasalamin sa mga pag-uusap sa workshop na iyon at naglalaman ng mga karagdagang kasangkapan upang gabayan ang mga magulang at iba pang mga nasa hustong gulang na pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa sarili nilang pagkakakilanlan at pag-unawa sa masasalimuot na dimensyon ng rasismo. Ang workshop at ang gabay na ito ay nilikha nang may suporta ng Connecticut Humanities Council.
Ika-19 na siglo hanggang dekada 1930: Mga Unang Asyanong Amerikano
Ang mga Asyanong Amerikano ay may mahabang kasaysayan sa Amerika. Ang pinakaunang tala ng mga Asyano sa Amerika ay mula pa noong ika-16 na siglo! Ang mga unang komunidad ng Asyanong Amerikano ay itinatag sa ika-19 na siglo, kasabay ng imigrasyon mula sa Kanluran at Hilagang Europa.
Ang unang migrasyong Asyano sa Estados Unidos ay naganap sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, karamihan dito ay upang tugunan ang mga pangangailangan sa trabaho sa bansa. Libu-libong kalalakihang Tsino ang kinuha para magtrabaho sa pagtayo ng mga riles sa Kanlurang Baybayin ng Estados Unidos at kinuha bilang mga minero sa panahon ng Dagsaan dahil sa Ginto. Ang mga manggagawang Hapon at Koreano ay kinuha sa Hawaii upang magtrabaho sa mga taniman ng tubo.
Ang mga kalalakihan sa Timog Asya na mula sa mga rehiyon ng Punjab at Bengali ay dumating sa Estados Unidos at nagtrabaho sa mga gilingan, bukid, at riles. Karamihan ay nasa mga kolonya na ng Britanya sa Karibe bilang mga manggagawang may kontrata. Pagkatapos maging kolonya ng Pilipinas noong 1898, unang kinuha ang mga Pilipino bilang mga estudyante at pagkatapos bilang mga manggagawa sa bukid sa Hawaii at sa mainland.
Paano ang kanilang pamumuhay?
Napakahirap ng buhay para sa karamihan sa mga imigranteng Asyano. Naharap sila sa diskriminasyon, karahasan, at malulubhang kahirapan sa pananalapi. Dahil marami ang dinala sa Amerika ng mga nagpapatrabaho sa kanila, kadalasan ay ginugugol nila ang maraming taon upang mabayaran ang "mga utang" bago magawang kumita. Mas mababa ang ibinabayad sa kanila kumpara sa mga manggagawang puti at nagtrabaho sa mga pinakamapanganib na trabaho.
Bagaman ang mga imigranteng Asyano ay bumubuo sa maliit na porsyento ng kabuuang bilang ng mga imigrante sa Estados Unidos, ang kanilang presensya ay naharap sa karahasan at eksklusyon. Ang mga estado sa kanluran ay nagpasa ng mga batas na naglimita sa kung saan maaaring manirahan ang mga Asyano at kung sino ang maaari nilang mapangasawa. Karaniwan ang mga kaguluhang laban sa Asyano sa huling bahagi ng ika-19 na siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo, kung saan pinatay ng mga mang-uumog na puti ang karamihan at pinaalis sa bayan ang buong komunidad ng mga Asyano.
Noong 1882, pagkatapos ng deka-dekadang damdaming laban sa Tsino, ipinasa ng Kongreso ang Chinese Exclusion Act, ang unang batas sa imigrasyon na pinagbabawalan ang imigrasyon ng isang etnisidad o lahi. Pinigilan din nito ang sinumang imigranteng Tsino na maging mamamayan ng Estados Unidos. Ang batas na ito ang simula lamang ng sari-saring higit na nagbabawal na mga batas na Imigrasyon na laban sa mga Asyano.

Noong 1907, nilagdaan ng Estados ang Gentleman's Agreement upang limitahan ang imigrasyon ng mga Hapon. Noong 1917, ipinasa ang Asiatic Barred Zone Act upang ipagbawal ang halos lahat ng imigrasyon mula sa Gitnang Silangan at Timog Silangang Asya. Bilang panghuli, ipinagbawal ng 1924 Immigration Act, na nagtakda ng mga kota para sa mga imigranteng hindi taga-Kanlurang Europa, ang lahatng imigrasyon mula sa Asya.
Mula sa simula, nagkaroon ng reaksyon ang mga Asyanong Amerikano sa maling pagtrato sa pamamagitan ng paglaban para sa kanilang mga karapatan. Ang kanilang pakikipaglaban ay nauwi sa pagtatag ng mahahalagang prinsipyong Amerikano. Halimbawa, hinamon ng isang 18-taong-gulang na Tsino Amerikanong si Wong Kim Ark ang pagtanggi ng pamahalaan na kilalanin siya bilang isang mamamayan kahit na ipinanganak siya doon. Nakatakda sa kanyang pakikipaglaban na ang sinumang ipinanganak sa Estados Unidos ay mamamayang Amerikano. |
Mga Dekada 1940-1960: Isang Bagong Henerasyon
Sa unang bahagi ng ika-20 siglo, umusbong ang isang bagong henerasyon ng mga Asyanong Amerikano. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napakaraming Asyanong Amerikano ang naglingkod sa pagsisikap sa digmaan, kahit na noong panahong nakakulong ang mga Hapong Amerikano sa mga piitang kampo dahil sa kanilang etnisidad at kinuwestiyon ang tungkol sa kanilang katapatan sa Estados Unidos.
Patuloy na lumaban para sa pagkakapantay-pantay at katarungan ang mga Asyanong Amerikano. Hinamon ni Fred Korematsu ang Piitang Kampo ng Hapon sa mga hukuman, at ang No-No Boys ay tumangging makibahagi sa serbisyong militar bilang pagprotesta laban sa pagkakakulong ng mga Hapong Amerikano sa mga kampo. Upang labanan ang pananamantala sa trabaho, inorganisa nina Larry Itliong, Philip Vera Cruz, at iba pang mga Pilipinong manggagawa ang Delano Grape Strike kasama si Cesar Chavez at ang mga Mehikanong manggagawa at sinimulan ang United Farm Workers Union.
Lumago rin ang populasyon ng mga Asyanong Amerikano pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagsapit ng 1952, ipinawalang-bisa ang Chinese Exclusion, at binago ang batas upang mapahintulutan ang naturalisasyon ng mga imigranteng hindi puti, na nagbigay-daan upang maging mga mamamayan ang mga Asyanong imigrante. Sinimulan din ng Estados Unidos ang Exchange Program na naghatid sa maliliit na bilang ng mga propesyonal at may kasanayang mangagawa mula sa Asya, kabilang ang bilang ng mga Pilipinang nars.

Mga Dekada 1950-1970: Ang Pagiging Asyanong Amerikano
Sa panahon ng dekada 1960, aktibong nakibahagi ang mga Asyanong Amerikano sa mga pagpupunyagi para sa katarunangan kasama ang ibang mga komunidad. Nakibahagi sila sa kilusan para sa mga karapatang sibil, kilusan para sa kalayaan ng mga kababaihan, at mga protesta laban sa Giyera sa Vietnam. Halimbawa, lubos na nakipagtulungan sina Grace Lee Boggs at Yuri Kochiyama sa mga pinunong Itim sa panahon ng Kilusan para sa mga Karapatang Sibil. Itinaguyod ni Patsy Mink, ang unang babaeng Asyanong Amerikanong inihalal sa Kongreso noong 1956, ang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at mga karapatan ng kabataan.
Nanawagan din ang mga aktibista sa mga karapatang sibil para sa reporma sa imigrasyon, na tinukoy ang mga pinag-ugatang rasismo sa mga batas na pang-imigrasyon. Ang kanilang pagtataguyod ay nauwi sa pagpasa ng 1965 Immigration and Nationality Act. Winakasan ng Batas na ito ang mga nakaraang kapanahunan ng eksklusyon batay sa mga kategoryang panlahi at nagtatag ng isang bagong sistemang batay sa trabaho, muling pagsasama-sama ng pamilya, at mga paghingi ng tulong ng mga lumikas sa kanilang bansa. Ang Batas ay nauwi sa lubos na pagdami ng imigrasyon mula sa Asya, Latino Amerikano, at Aprika.

Ang pagkakakilanlan ng Asyanong Amerikano, at ang kilusang Yellow River, ay binuo sa pamamagitan ng aktibismo at nagdulot ng inspirasyon ng ibang mga kilusang panlipunan: mga karapatang sibil, ang kilusang Black Power, at ng mga protesta laban sa digmaan. Itinatag nina Yuji Ichioka at Emma Gee ang Asian American Political Alliance noong 1968 sa Berkeley at nagdulot ng inspirasyon sa mga katulad na organisasyon mula New York hanggang Hawaii. Nagsama-sama ang mga estudyanteng Asyano, Aprikanong Amerikano, Chikano, at Katutubong Amerikano sa Third World Liberation Front upang humingi ng mga programang pang-edukasyong nakatuon sa kasaysayan at mga karanasan ng mga taong iba ang kulay ng balat.
|
Dekada 1970 hanggang sa kasalukuyan: Mga Lumalaking Komunidad
Sa pagitan ng 1975 at 2010, 1.2 milyong mamamayang Vietnamese, Lao, Hmong, and Cambodian ang dumating sa Amerika, karamihan sa kanila ay lumikas mula sa kanilang bansa. Ang mga unang pagsusumikap na papasukin ang mga lumikas mula sa kanilang bansa sa huling bahagi ng dekada 1970 ay nauwi sa matinding reaksyon laban sa imigrante, kabilang ang karahasan at eksklusyon sa kanilang mga bagong tirahan. Ang pampublikong debate ay nauwi sa pagpasa ng Refugee Act of 1980, na lumikha ng mga restriksyon sa bilang ng mga lumikas sa kanilang bansa at kinontrol ang paglilipat sa lugar. Sa kabila nito, nabuo ang matatatag na komunidad ng Timog-Silangang Asyano, gaya ng komunidad ng Hmong sa Minnesota.
Sa panahon ng dekada 1980. 7.34 milyong imigrante ang pumunta sa Estados Unidos, mahigit 80% ang mula sa Asya at Latino Amerikano. Binigyang-diin sa 1965 Act ang pagtanggap sa mga may edukasyong propesyonal, at maraming imigrante mula sa Asya ang dumating bilang mga manggagawa upang matugunan ang mga pangangailangan ng umuunlad na teknolohiya at medikal na industriya sa Estados Unidos.
Sa kasalukuyan, ang mga Asyanong Amerikano ay bumubuo sa pinakamabilis na lumalagong demograpiko sa bumubotong populasyon at nasisiyahan sa lumalaking pulitikal na kapangyarihan at presensya sa publiko. Sinasabi sa atin ng kasaysayang ito na hindi kailanman naging tahimik ang mga Asyanong Amerikano sa pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay at katarungan. Ang mga bagong henerasyon ng mga Asyanong Amerikano ay patuloy na nananawagan para sa mas malaking representasyon, pakikibahagi sa mga isyu sa komunidad, at para sa pagkakaisa sa pagkumpronta sa rasismo.

PREHUWISYO: Isang negatibong paniniwala o pakikitungo sa isang tao o grupo ng mga tao, na karaniwang batay sa hindi napapatunayang panlalahat o estereotipo.
DISKRIMINASYON: Kapag naging aksyon ang prehuwisyo. Hindi pantay na pagtrato batay sa lahi, kasarian, katayuan sa lipunan, sekswal na oryentasyon, kakayahan, relihiyon at iba pang mga kategorya.
RASISMO: Ang kumbinasyon ng prehuwisyo laban sa lahi at kapangyarihan. Ang rasismo ay isang masalimuot na sistema ng mga indibidwal at institusyonal na paniniwala at pag-uugali, batay sa palagay na nakatataas ang pagiging puti. Nagreresulta ito sa pagpapahirap sa mga taong iba ang kulay ng balat at nagbibigay ng kapakinabangan sa dominanteng grupo, ang mga puti
MALIIT NA AGRESYON: Mga indibidwal na karanasan sa rasismo, gaya ng kung ano ang maaaring kaharapin ng isang bata sa paaralan. Ang maliliit na agresyon ay mga pasalita o hindi pasalitang pasaring o insulto at maaaring maging sinadya o hindi. Nagbibigay ito ng mga negatibong mensahe na nakatuon sa mga tao batay sa lahi, atbp.
ESTEREOTIPO: isang malawakang paniniwala tungkol sa grupo ng mga tao batay sa isang eksaherado o lubos na pinasimpleng panlalahat.

Mga Stereotyp na Na-target sa mga Asyano na Amerikano
Perpetwal na Dayuhan
Ang estereotipong "Perpetwal na Dayuhan" ay palagay na ang lahat ng Asyano ay malamang na mula sa labas ng Estados Unidos, o dayuhan. Mga halimbawa: tinatanong ang isang Asyanong Amerikano "Tagasaan ka talaga," kapag sinabi niyang siya ay isang Asyanong Amerikano, siya ay sinasabihang, "bumalik ka sa pinanggalingan mo," o ipinagpapalagay na may COVID-19 dahil nagmula siya sa Tsina.
Ipinapahiwatig ng estereotipong ito na ang mga Asyano ay hindi kailanman nakita bilang bahagi ng pagkakakilanlan ng Estados Unidos, na karaniwang tinutukoy bilang may pinagmulang Taga-Kanlurang Europa. Ipinapakita ito sa mararahas na paraan, dahil kapag nakikita ka bilang hindi maka-Amerikano, maaari ka ring makita bilang mapanganib, hindi tapat, at imoral. Kabilang sa mga halimbawa ang pagkulong sa lahat ng Hapong Amerikano noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa takot na maaaring mga espiya sila, ang islamophobia at mga krimen ng poot laban sa mga kinikilala bilang Taga-Timog Asya, Muslim, o kayumanggi pagkatapos ng 9-11 at pinakakamakailan, ang may poot na retorika at mga pag-atakeng hatid ng galit sa mga Asyano sa panahon ng pandemyang COVID-19.
Ang Mitong Modelong Minorya
Ang mitong ito paniniwala na ang lahat ng Asyano ay matagumpay, tahimik, at masunurin. Sa unang tingin, ito ay maaaring isang "positibong" estereotipo. Ngunit ang mito ay may hindi magandang pinag-ugatan at nauwi sa nakakasamang kahihinatnan.
Una, ang ideya na ang mga Asyano ay "maamo" at "tahimik" ay mula pa noong ika-19 na siglo. Ang mga kalalakihang Asyano ay nakikita bilang may mahinang "pagkalalaki" at inilalarawan bilang mas parang babae. Pinatahimik din ang mga Asyanong imigrante: hindi sila makaboto, labis-labis ang diskriminasyon laban sa kanila, at ang panilang pamumuhay ay nakadepende sa nagpapatrabaho sa kanila dahil sa kanilang katayuang pang-imigrasyon.

Noong mga dekada 1950 at 1960, nagbago ang larawan ng mga Asyanong Amerikano dahil sa mga bagong batas sa imigrasyon na nagpapasok sa mga Asyanong imigrante upang punan ang mga pangangailangan para sa mga teknikal at medikal na posisyon. Inilarawan ang mga Asyano bilang matagumpay sa pananalapi at tahimik bilang paraan upang punahin ang mga protesta at kahirapan ng Kilusan para sa mga Karapatang Sibil. Nagsimula ang mito ng modelong minorya bilang isang sandata laban sa mga taong iba ang kulay ng balat at patuloy na ginagamit para itanggi ang pagpopondo at mga serbisyo at upang labis na magpulis sa ibang mga komunidad ng iba ang kulay ng balat.
|
Ang mito ng modelong minorya ay labis ding nakakasakit sa mga Asyanong Amerikano. Ginagawa nitong hindi nakikita ang mga pangangailangan ng mga Asyanong Amerikano at binubura ang dibersidad ng komunidad ng Asyanong Amerikano. Ang modelong minorya ay nakikita sa kabuuan bilang nasa itaas na panggitang katayuan sa lipunan at "hindi nangangailangan ng tulong," kaya ang mga mapagkukunan at serbisyo ay hindi inilalaan sa mga mga komunidad ng Asyanong Amerikano sa angkop na paraan. Kapag binu-bully ang mga Asyanong bata, kadalasang hindi ito kinikilala ng mga guro bilang rasista, at sinusubukan itong ipagwalang-bahala. Pinagagana rin ang mito upang pigilan ang mga Asyanong Amerikano sa pagkakaroon ng mga posisyon sa pamumuno, dahil madalas silang ipinagwawalang-bahala bilang napakatahimik at masunurin.
Ang pinakamainam, sinimulan na ninyo at ng inyong anak ang pagtalakay sa lahi sa tahanan sa pamamagitan ng mga aklat, mga mapagkukunang naaangkop sa edad, at mga pag-uusap na nakapalibot sa ideya na paminsan-minsan ang mga tao ay gumagamit ng mga nakikitang katangian upang husgahan ang iba. Bukod dito, nakakapagbahagi kayo ng kasaysayan ng inyong kultura sa inyong anak sa pamamagitan ng mga pagkilos na gaya ng pag-aaral sa mga wika, pagbabahagi ng mga kuwento tungkol sa bansang inyong pinagmulan, at pagtalakay sa mga ritwal, pagkain, at iba pang mga aspeto ng pamana ng etnisidad.
Kahit na gumagawa kayo ng mga hakbang upang ibahagi ang kasaysayan ng iyong kultura at lahi, kapag nakakaranas ang inyong anak ng insidenteng may kaugnayan sa lahi o interaksyong rasista, ang una ninyong magiging reaksyon ay pagkagulat at galit. Nakakatakot ang mga kaganapang ito, para sa anak at magulang, at maaaring hindi ninyo ganap na maunawaan kung ang nangyari o nalilito sa kung paano matutulungan ang inyong anak na maunawaan ang pangyayari.
Nakatuon ang gabay na ito sa pagkakaloob ng mga madaling sunding gabay upang matulungan kayo at ang inyong anak na galugarin ang nakakatakot na proseso nang may empatya, pangangalaga sa sarili, at pagtitiyaga. Maaari ninyong gamitin ang apat na hakbang sa ibaba bilang lugar na pagsisimulan upang gabayan ang inyong pagtugon.

Hakbang 1: Pangangasiwa sa Emosyon at Pangangatawan
Isa sa pinakamahahalagang mensaheng maaaring makuha ng isang bata pagkatapos ng pangyayaring nauugnay sa lahi ay na ang bata ay ligtas. Kung nababalisa ang inyong anak sa insidenteng ito, bigyan siya ng sapat na panahon upang maramdaman at iproseso ang kanyang mga emosyon. Ang paghihikayat ng iba't ibang uri ng pagpapahayag ng emosyon ay maaaring makatulong gaya ng pagsusulat sa journal, pagguhit, pagpinta, pagsasayaw, pagpapatugtog ng instrumento, atbp. Paminsan-minsan, ang mga paksang ito ay maaaring napakakomprontatibo para talakayin nang direkta, kaya ang pagkakaroon ng mga ganitong pag-uusap habang nilulutas ang puzzle, naglalakad, atbp., maaaring magpahupa sa intensidad. |
Hakbang 2: Imbestigasyon
Maging isang detektib kasama ang inyong anak. Isa-isang talakayin ang pangyayari at tuklasin kung ano ang naiparamdam nito sa kanya. Magkaroon ng kuryosidad tungkol sa mga kalagayan. Tuklasin ang mga alternatibong posibilidad o dahilan kung bakit siya pinakitunguhan ng isang tao sa paraang may kaugnayan sa lahi. Huwag agad manghiya o manghusga, kahit na maaaring nagkamali ang inyong anak o nakipag-away; ang panahong ito ay tungkol sa bukas na pagninilay-nilay at kuryosidad. Huwag tumungo sa hakbang na ito hanggang sa naging kalmado na ang emosyon ninyo at ng inyong anak. Malalaman ninyong kumalma na ang inyong anak kapag hindi na siya galit, nalulungkot, lumalayo sa tao, atbp. Bigyan nila ng panahon hangga't kailangan upang mapangasiwaan ang mga emosyon. |
Hakbang 3: Paglutas ng Problema
Ngayon naman ay tumungo sa hinaharap. Anu-ano ang mga susunod na hakbang na dapat ninyong gawin at/o ng inyong anak? Paano makakakilos sa naiibang paraan ang inyong anak sa susunod na siya ay magkaroon ng karanasang nauugnay sa lahi? Pahintulutan ang inyoing anak na mamuno sa pagtuklas. Ang hakbang na ito ay isang pagkakataon para sa inyong anak na mabawi ang kanyang kakayahan at makaisip ng sariling mga ideya tungkol sa kung ano ang maaari nilang gawin sa hinaharap. Huwag sensurahin ang inyong anak at tanggapin ang lahat ng ideya, positibo man o negatibo. Sa oras na magkaroon ka ng listahan ng ilang opsyon, pag-usapan ang bawat isa sa mga ito at hikayatin ang inyong anak na pag-usapan ang mga bentaha at disbentaha. Sa proseso ng pagtukoy ng anak, nagiging bahagi siya sa proseso ng pagpapasya at hinihikayat siyang maunawaan sa sistematikong paraan at masuri ang kanyang mga opsyon sa pagtugon. Sa prosesong ito, ang mahahalagang opsyon ay kung ang aksyon ay makakapagpanatili sa kaligtasan, dignidad, at kalayaan ng inyong anak. |
Hakbang 4: Mag-ensayo
Mag-ensayo tayo! Sa pangyayaring may kaugnayan sa lahi, makakaranas ng stress ang inyong anak. Maaaring mablangko ang kanyang pag-iisip, at siya ay maaaring lumaban, umalis o matigilan. Mas magiging madali para sa kanilang matandaan at isagawa ang naiplanong aksyon kung magkasama kayong mag-eensayo sa isang ligtas na espasyo. Isadula ang piniling pagtugon at tingnan kung ano ang nararamdaman ng bata sa bagay na ito. Kung hindi tama ang kanyang pakiramdam, subukan ang ibang mga piniling pagtugon. |
Ipinagpapalagay na Sitwasyon #1: Sa Paaralan
Ang inyong anak na babae na nasa middle school umuwi ng bahay na galit dahil pinagtawanan ang kanyang mga mata at tinawag siyang "Singkit." Sinabi niya sa kanyang guro, na sinabing maaaring hindi sinasadya ng batang lalaki at ito ay "nanunukso lamang." Hindi kayo sigurado kung nauunawaan ng inyong anak na ang komentong iyon ay rasista, ngunit malinaw na nagagalit siya sa bagay na ito.
Hakbang 1: Pangangasiwa sa Emosyon at Pangangatawan
Itiyak sa inyong anak na siya ay ligtas at tanggapin ang kahirapang nararamdaman niya. May nagbansag sa kanya, at normal lamang na magalit kapat may umatake sa iyo. Tiyaking alam niyang kayo ay bukas at pumapayag na pag-usapan kung ano ang nangyari. Kung maaari, huwag hayaang diktahan ng sarili ninyong mga emosyon ang pag-uusap na ito; hayaang manguna ang inyong anak kahit na mas nagagalit kayo kaysa sa kanya. Kung patuloy siyang nahihirapan, subukan ang aktibidad na grounding, gaya ng pagsusulat sa journal, pagguhit, o pagguhit, o pagpapatugtog ng instrumento.

Sa pagkakataong ito, nais mong talakayin kung ano ang nangyari at alamin pa ang mga detalye.
Sa pagkakataong ito, nais mong talakayin kung ano ang nangyari at alamin pa ang mga detalye.
Sampol na Script:
“Nakikita kong labis kang nagagalit sa sinabi sa iyo ng kaklase mo. Mahirap malaman kung ano ang nag-udyok sa kanyang sabihin iyon sa iyo, ngunit alam nating mali iyon. Noong nasa edad mo ako, nangyari rin ito mismo sa akin at naalala kong nasaktan din ako. [Ibahagi ang tungkol sa iyong personal na kuwento tungkol sa trauma na nauugnay sa lahi sa paraang naaangkop sa kanyang edad].” "Minsan nakakarinig ang mga tao ng mga nakakasakit na salita mula sa iba at inuulit ito, ngunit walang sinuman ang ipinanganak na ganito kung mag-isip. Ang ating mga ninuno at ang mga Asyanong Amerikano sa kasaysayan ay hindi itinratong kapantay ng lahat ng tao. Madalas, takot ang mga tao sa mga bagay o ibang taong hindi sila pamilyar. Sa buhay mo, maraming magsasabi ng iba't ibang bagay tungkol sa iyo ay kakailanganin mong magpasya kung anong uri ng mga mensahe ang pahihintulutan mong makapasok. Ang pagsasabi ng ibang tao ng isang bagay tungkol sa iyo ay hindi nangangahulugang totoo iyon, kaya't kailangan nating kuwestiyunin ang mga mensaheng dumarating sa atin." |
Hakbang 3: Paglutas ng Problema
NNgayong malinaw na sa inyo kung ano ang nangyari, hikayatin ang inyong anak na tuklasin ang mga ideya hinggil sa mga susunod na hakbang na gagawin, na sana ay ginawa niya sa pagkakataong iyon. Pahintulutan ang inyong anak na mag-isip ng iba't ibang ideya, mabuti man o masama, at huwag siyang sensurahin kung mukhang nakakasira ang ideya.
Halimbawa ng mabubuti at masasamang posibleng ideya, ang LAHAT ng ito ay katanggap-tanggap para tuklasin ng bata:
Sa oras na mabuo ninyo ang listahan ng mga posibleng reaksyon, hikayatin ngayon ang inyong anak na pag-isipan ang bawat opsyon at pagpasyahan kung mabuting ideya ang aksyong ito at kung pinananatili nito ang kaligtasan, dignidad, at kalayaan ng inyong anak. Suportahan ang bata sa pagpapasya kung aling (mga) opsyon ang nais nilang iensayo sa Yugto 4.

- Tumugon sa pamamagitan ng pagtukoy sa katagang ito bilang rasista at hilingin sa taong iyon na tumigil.
- Lisanin ang sitwasyon at iulat sa guro.
- Kausapin ang mga pinagkakatiwalaang kaibigan tungkol sa sitwasyong ito at kung paano nila maaaring suportahan ang estudyante kung muli itong mangyayari.
- Suntukin ang estudyante.
- Sigawan ang estudyante.
Sa oras na mabuo ninyo ang listahan ng mga posibleng reaksyon, hikayatin ngayon ang inyong anak na pag-isipan ang bawat opsyon at pagpasyahan kung mabuting ideya ang aksyong ito at kung pinananatili nito ang kaligtasan, dignidad, at kalayaan ng inyong anak. Suportahan ang bata sa pagpapasya kung aling (mga) opsyon ang nais nilang iensayo sa Yugto 4.
Hakbang 4: Mag-ensayo
Isadula ang mga piniling opsyon kasama ang inong anak at maglaan ng panahon para pag-usapan ang bawat isa. Kumusta ang pakiramdam ng inyong anak pagkatapos nito? Mayroon ba siyang nais baguhin? Magpatuloy sa mga opsyon hanggang sa maging tama ang pakiramdam niya sa isa sa mga ito.

Paano Kung...?
Pagkatapos kausapin ang inyong anak, pinag-iisipan ninyong kausapin ang guro tungkol sa sitwasyon. Hindi kayo sigurado kung paano ito gagawin o kung paano maaaring tumugon ang guro.
Mga Pangunahing Konsiderasyon
Bilang magulang, responsable kayo para sa kaligtasan at proteksyon ng inyong anak. Ngunit, nais din nating bigyan ng kakayahan ang ating mga anak kapag naaangkop sa kanilang paglaki.
Kung nasa sapat na edad ang inyong anak para itaguyod ang kanyang sarili, maaari kayong magsimula sa pamamagitan ng ilang katanungan:
Pinakamainam, nais ninyong bigyan ng kakayahan ang inyong anak na maging bahagi ng proseso ng pagpapasya sa kung paano nila ninanais na kayo ay magpatuloy. Pagkatapos ay ipagpatuloy ang plano sa pakikipagpulong sa guro/paaralan. Bisitahin ang link na ito para sa mga template ng email sa mga guro kapag nangyayari ang ganitong uri ng sitwasyon.

- Ano ang gusto mong gawin sa sitwasyong ito?
- Gusto mo bang kausapin ko pa ang iyong guro tungkol dito para maunawaan nila kung paano ka naapektuhan nito?
- Gusto mo bang sumama sa akin o gusto mo bang gawin ko ito nang hindi ka kasama?
- May mga pag-aalala ka ba tungkol sa pagtalakay nito sa iyong guro?
Pinakamainam, nais ninyong bigyan ng kakayahan ang inyong anak na maging bahagi ng proseso ng pagpapasya sa kung paano nila ninanais na kayo ay magpatuloy. Pagkatapos ay ipagpatuloy ang plano sa pakikipagpulong sa guro/paaralan. Bisitahin ang link na ito para sa mga template ng email sa mga guro kapag nangyayari ang ganitong uri ng sitwasyon.
Paano Kung...?
Nais ninyong i-report ang insidenteng ito sa paaralan, ngunit umaayaw talaga ang inyong anak, sinasabing nag-aalala siya at baka malaman ng ibang bata at lalo siyang tuksuhin.
Mga Pangunahing Konsiderasyon
Nanaisin mong pakinggan ang inyong anak. Maaaring may mga aspeto sa sitwasyong ito na hindi mo gaanong nauunawaan o hindi pa ibinabahagi ng inyong anak ang mga ito sa inyo. Maging bukas at matiyaga sa pag-aalinlangan ng inyong anak. Magkaroon ng kuryosidad at magbigay ng mga katanungang hindi lamang nasasagot ng oo o hindi:
Sa oras na matalakay ninyo at ng inyong anak ang higit pang detalye sa kanyang pagpigil o pag-aalinlangan, maaaring makatulong ang pagsasaalang-alang sa mga sumusunod na salik na ito. Ang sitwasyon at konteksto sa paaralan para sa bawat bata ay katangi-tangi at maaapektuhan ng iba't ibang bagay. Ang pagpapasyang ito tungkol sa kung iuulat o hindi kung hindi kumportable ang bata sa paggawa nito ay napakamasalimuot. Ang pagpapasyang ito ay nagsisilbi lamang bilang gabay sa mahahalagang salik na maaari ninyong isaalang-alang habang ginagawa nito ang mahirap na desisyong ito.

- Maaari mo ba akong tulungang maunawaan ang iyong pag-aalala na baka lalo ka pang tuksuhin ng iyong mga kaklase?
- Kailan karaniwang nangyayari ang panunukso?
- Ano ang mga bentaha at disbentaha ng pag-uulat ng insidenteng ito?
- Ano ang maidudulot ng hindi pag-uulat ng insidenteng ito?
Sa oras na matalakay ninyo at ng inyong anak ang higit pang detalye sa kanyang pagpigil o pag-aalinlangan, maaaring makatulong ang pagsasaalang-alang sa mga sumusunod na salik na ito. Ang sitwasyon at konteksto sa paaralan para sa bawat bata ay katangi-tangi at maaapektuhan ng iba't ibang bagay. Ang pagpapasyang ito tungkol sa kung iuulat o hindi kung hindi kumportable ang bata sa paggawa nito ay napakamasalimuot. Ang pagpapasyang ito ay nagsisilbi lamang bilang gabay sa mahahalagang salik na maaari ninyong isaalang-alang habang ginagawa nito ang mahirap na desisyong ito.
Kaligtasan: Kung hindi ligtas ang inyong anak (pisikal o sikolohikal) at naniniwala kayong hindi kayang protektahan ng inyong anak ang kanyang sarili nang walang paghihimasok, na maaaring magresulta sa malalaking epekto sa pisikal at emosyonal na kalusugan, dapat nating timbangin kung gayon ang mga kapakinabangan at maidudulot ng hindi pag-uulat. Ang mga batang hindi kayang maramdaman na sila ay pisikal o sikolohikal na ligtas sa paaralan ay mas nanganganib na magkaroon ng kahirapan sa kalusugan ng pag-iisip at sikolohikal na kahirapan. Ang kaligtasan ang nangungunang priyoridad para sa ating mga anak.
Kalayaan: Mahalaga ring nararamdaman ng inyong anak na bahagi siya ng proseso ng pagpapasya tungkol sa kung dapat niyang iulat ang insidente. Maaaring hindi agad maisasakatuparan ang proseso ng pagpapasyang ito. Kung patuloy na nahihirapan ang inyong anak sa pambu-bully o rasismo sa paaralan, maaaring mahalagang humingi ng tulong mula sa propesyonal sa kalusugan ng pag-iisip na nakatuon sa bata at nagbibinata o nagdadalaga upang matulungan siyang bumuo ng mga kasanayan sa pagharap sa kahirapan, pagpapahayag ng sarili, at kumpiyansa sa mga sitwasyong ito. Posibleng sa pagdaan ng panahon at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa propesyonal na kalusugan ng pag-iisip, maaaring magkaroon ng higit pang kakayahan ang bata at piliing mag-ulat sa kalaunan. Depende sa edad ng bata, ang kalayaan ay magiging malaking bahagi ng proseso ng pagpapasya. Halimbawa, ang isang batang nasa edad na 6 na taong gulang ay may naiibang mga pangangailangan sa kalayaan kumpara sa isang 15-taong-gulang na nagbibinata o nagdadalaga
Suporta sa Paaralan: Isa pang konsiderasyon ay kung nagpapakita ng kaalaman o pananagutan ang inyong paaralan pagdating sa mga isyung ito. Ang ilang paaralan ay mayroong pagtatalagang No Place for Hate (Walang Puwang para sa Poot) (https://www.adl.org/who-we-are/our-organization/signature-programs/no-place-for-hate), na isang pagtatalagang pinananatili sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang pamantayan sa paglikha ng kapaligiran sa paaralan na ingklusibo at ligtas para sa lahat ng estudyante. Ang mga paaralang ito ay karaniwang mayroong kurikulum na itinuturo ng counselor ng paaralan tungkol sa empatya, paggalang, kabaitan, at iba pang mga kasanayang mabuti sa pakikisalamuha upang magtaguyod ng mga positibong interaksyon sa paaralan. Kung naniniwala kayong nakatuon ang inyong paaralan sa pagprotekta sa mga bulnerableng mag-aaral sa mga panahon ng rasismo o pambu-bully, maaari itong magbigay sa inyo ng higit pang pakiramdam na kaligtasan sa paggawa ng ulat. Ngunit, kung mukhang hindi nakatuon ang inyong paaralan sa mga huwarang ito o hindi kayo sigurado, maaaring mainam na higit pa itong talakayin sa inyong network ng suporta, sa counselor para sa kalusugan ng pag-iisip ng inyong anak (kung mayroon sila nito), o maging sa pedyatrisyan ng bata na tumanggap ng gabay sa kung paano magpatuloy.

Ipinagpapalagay na Sitwasyon #2: Sa Publiko
Nasa high school ang inyong anak. Habang namimili, ang nakasalubong ng inyong anak, ninyo, at ng kanyang lolo ang isang kaibigan ng pamilya, at nagsimulang mag-usap sa Hindi ang lolo at ang kaibigan habang nakikinig ang inyong anak. Isang puti na dumadaan ang tumitig sa kanila, at sinabi sa lahat ng nasa tindahan, "Amerika ito, magsalita sa Ingles." Mukhang galit ang kanyang lolo at ang kaibigan ngunit walang sinabi at tumigil sa pagsasalita.
Hakbang 1 + 2: Pangangasiwa sa Emosyon at Pangangatawan + Imbestigasyon:
Kapag kayo ay nasa ligtas na espasyo, kumustahin ang nararamdaman ng inyong anak. Sa mga sitwasyong ito kung saan walang reaksyon, hindi tinatalakay, o pinoproseso ng mga nasa hustong gulang kung ano ang nangyari sa insidenteng iyon, naiiwang mag-isa ang mga bata sa pag-unawa sa sitwasyon. Nais muna nating suriin kung ano ang naunawaan ng bata sa sitwasyon.

"Kumusta, okay lang bang pag-usapan ang nangyari kanina sa groseri? Ano ang naramdaman mo sa sitwasyon? Sa kasamaang-palad, nangyayari ang mga sitwasyong ito sa iba't ibang tao, hindi lamang sa mga Asyanong Amerikano. Ang nangyayari ay minsan, tinuturuan ang mga taong matakot at hindi magustuhan kung ano ang naiiba o hindi kilala. Ngunit hindi ito sumasalamin sa iyo o sa atin. Ito ay nangangahulugan na laganap pa rin talaga ang rasismo at ito ay isang bagay na kailangan nating malaman kapag wala tayo sa bahay. Ano ang palagay mo sa naging paraan ng ating pagtugon? Sa tingin mo ba ay nakatulong iyon?" |
Bigyan ng puwang ang bata na kilalanin ang kanyang mga emosyon at iproseso kung paano nila naunawaan ang sitwasyong iyon. Sa oras na maibahagi ng bata ang kanyang mga napagnilay-nilay at kalmado na ang emosyon, maaari tayong magpatuloy sa kung paano matutulungan ang batang maunawaan ang naiibang mga posibleng pananaw sa sitwasyon. Magkaroon ng kuryosidad at tuklasin kasama ang inyong anak ang tungkol sa kung maaaring may magsabi ng ganitong bagay sa lolo at kaibigan ng pamilya. Kung nasa sapat na gulang na ang bata, maaari ninyong ibahagi ang tungkol sa katagang "xenophobia" at kung paano kinatakutan ang mga Asyanong Amerikano sa kasaysayan dahil lamng sa nakikita tayo bilang naiiba, o dayuhan.
Hakbang 3: Paglutas ng Problema
Hikayatin ang inyong anak na isaalang-alang ang:
Malayang tuklasin ang mga ideya sa inyong anak bago magsimula upang mapagtuunan sa huli ang mga opsyong pinakanaaangkop at maprotektahan ang kaligtasan, dignidad, at kalayaan ng inyong pamilya. Ang panghihimasok ng nakamasid sa paligid ay isang mahalagang paksang tatalakayin kapag nagkakaroon ng mga insidenteng may kaugnayan sa lahi sa mga pampublikong espasyo. Maaari mong madagdagan ang kaalaman tungkol sa panghihimasok ng nakamasid sa paligid at pagpapanatiling ligtas sa mga pampublikong espasyo gamit ang sumusunod na gabay: immigranthistory.org/bystander
Hikayatin ang inyong anak na isaalang-alang ang:
- Paano natin mababago ang paraan ng ating pagtugon sa susunod na mangyari ang ganitong uri ng sitwasyon?
- Anu-anong ideya ang maaari mong maisip sa kung paano nating mahaharap ang sitwasyong ito sa ibang paraan?
Malayang tuklasin ang mga ideya sa inyong anak bago magsimula upang mapagtuunan sa huli ang mga opsyong pinakanaaangkop at maprotektahan ang kaligtasan, dignidad, at kalayaan ng inyong pamilya. Ang panghihimasok ng nakamasid sa paligid ay isang mahalagang paksang tatalakayin kapag nagkakaroon ng mga insidenteng may kaugnayan sa lahi sa mga pampublikong espasyo. Maaari mong madagdagan ang kaalaman tungkol sa panghihimasok ng nakamasid sa paligid at pagpapanatiling ligtas sa mga pampublikong espasyo gamit ang sumusunod na gabay: immigranthistory.org/bystander
Hakbang 4: Mag-ensayo
Iensayo ang mga opsyong napagpasyan ninyo at ng inyong anak at subukan ang pinakanaaangkop para sa inyong pamilya.
Iensayo ang mga opsyong napagpasyan ninyo at ng inyong anak at subukan ang pinakanaaangkop para sa inyong pamilya.
Ipinagpapalagay na Sitwasyon #3: Kapag Nagbigay ang Inyong Anak ng Pahayag na may Bias
Nasa paaralang elementarya ang inyong anak. Sinabi niya sa inyo, "Ayoko kay Max," at noong tinanong ninyo sa kanya kung bakit, "dahil itim ang kanyang balat."
Hakbang 1 + 2: Pangangasiwa sa Emosyon at Pangangatawan + Imbestigasyon
Maglaan ng panahon sa pangungumusta sa emosyon ng inyong anak bago magpatuloy, kahit na ang una ninyong naiisip ay direktang tugunan ang pahayag ng inyong anak. Galit ba o nababalisa ang inyong anak? Bigyan sila ng panahong iproseso ang malakas na emosyong ito. Kung kailangan, subukan ang ilang grounding na aktibidad gaya ng paghinga ng malalim, pagpapatugtog ng musuka, o pagguhit.
Mahalagang hindi tayo magkaroon ng reaksyon ng panghihiya at paninisi pagkatapos marinig sa ating anak ang mga salitang ito. Huwag magsimula sa: "Hindi mo maaaring sabihin iyan! Rasista iyan!" Sa halip, maaari mong gawin itong isang pagkakataon para magturo at magkaroon muna ng kuryosidad sa kung ano ang nag-udyok sa pahayag na ito. Nais nating hikayatin ang ating mga anak na bukas na magbahagi sa atin. Kung magsisimula tayong manisi, hindi kikibo ang ating mga anak at dedepensahan nila ang kanilang sarili. Sa halip, mananatili tayong bukas at magiging isang detektib sa kung bakit sinabi ito ng ating anak.

Hakbang 3 + 4: Paglutas ng Problema + Iensayo
Habang hindi ninyo nanaising ipahiya ang inyong anak, kailangan pa rin ninyong tulungang maunawaan ng inyong anak kung bakit mali at nakakasakit ang pahayag na ito. Labanan ang anumang pagnanais na hindi pansinin ang pahayag, kahit na sinabi sa inyong anak sa panahon ng Imbestigasyon na may ginawang talagang nakakasakit si Max. Maaari ninyong simulan ang proseso ng pagbuo ng empatya sa hakbang na ito, kung saan maaari ninyong ipaalam ang mga pagpapahalaga ng pamilya at ipahayag ang pinaniniwalaan ninyo. Maaari ninyong tulungan ang inyong anak na bumuo ng empatya at simulang tumanggap ng mga pananaw na hindi kanila.
Bukod sa pagtugon sa partikular na insidenteng ito, maaari ninyong isaalang-alag ang pagsasama ng higit pang mga aklat at kuwentong nakapokus sa kasaysayan ng Itim at mga karanasan ng mga Aprikanong Amerikano. May mga aklat na pambata rin na gumagamit ng pamamaraang laban sa rasismo upang pag-usapan ang tungkol sa lahi, etnisidad at pamana. Bisitahin ang Seksyon ng mga mapagkukunan para sa ilang nakakatulong na link.

"Magiging patas ba kung may isang taong ayaw sa iyo dahil sa kulay ng iyong balat? Ano ang mararamdaman mo? Maaaring hindi ka sumang-ayon sa mga pag-uugali ni Max, ngunit hindi patas na bansagan si Max na masamang tao. Ang bawat isa ay maaaring magkamali o makasakit sa ibang ito, kabilang ang sarili mo. Makakaalala ka ba ng pagkakataong may nanghusga sa iyo batay sa isang katangian mo sa halip na maglaan ng panahon para kilalanin ka?" |
Napakahabang panahon ang inilalaan ng ating mga anak sa paaralan at sa pangangalaga ng mga edukador sa pinakamalaking bahagi ng araw. Mahalagang subukang bumuo ng ugnayan sa mga edukador at sa paaralan sa simula ng taon ng pag-aaral nang sa gayon ay magkasamang magtutulungan ang mga pamilya at tagapangalaga kasama ang paaralan upang suportahan ang ating mga anak.
Kapag ang una at ang natatanging pagkakataon na nakikipag-ugnayan kayo sa guro o paaralan ay tungkol sa isang negatibong insidente at sila man ay ganoon din, mas mahirap magkaroon ng bukas na pakikipag-usap tungkol sa pinakamahusay na paraan upang suportahan ang inyong anak. Dapat ding malaman ng inyong mga anak na mayroong mga serbisyong sumusuporta at mga adulto sa paaralan na makakatulong. Totoo rin ito para sa mga mas matatandang estudyante na maaaring kayang tumayo para sa kanilang mga sarili; sa pagbuo ng mga ugnayan sa kanilang mga guro at iba pang tauhan ng paaralan, malalaman nila kung sino ang lalapitan para sa tulong kung kailangan.
Maaaring may ibang mga pangalan ang mga distrito para sa mga posisyong ito, o maaaring walang iba;t ibang mga administrador at sumusuportang tauhang kagaya nito. Sa pangkalahatan, ang una ninyong kokontakin ay kadalasang ang guro sa klase para sa paaralang elementarya o sinumang pinagkakatiwalaang adulto, at sa antas na pansekundarya, sinumang adultong gaya ng isang guro sa asignatura, counselor ng paaralan o sinumang miyembro ng pangkat na sumusuporta sa estudyante, ang maghahatid sa inyo sa mga tamang mapagkukunan. Kung hindi mareresolba ang mga isyu sa antas na pangguro o iba pang tauhan sa paaralan sa sumusuporta sa estudyante, makipag-ugnay sa punong-guro.
Nasa ibaba ang mga mungkahi para sa mga taong kokontakin sa iba't ibang tao na maaaring mangyari para sa inyo o sa inyong mga anak.

Sitwasyon |
Kanino Makikipag-ugnayan |
Mga nilalaman ng mga tanong sa pangkalahatang klase at asignatura |
|
Mga tanong na nauugnay sa pangkalahatang paaralan (mga kaganapan, paggamit ng teknolohiya, mga account sa website na nauugnay sa paaralan, tanghalian sa paaralan, mga espesyal na programa, atbp) |
|
Kung kailangan mo ng isang tagasalin ng wika para sa isang pagpupulong o mga materyal na isinalin |
|
Kapag kailangan ninyong pag-usapan ang sitwasyong nauugnay sa kalusugang medikal o pagkaisipan |
|
Kapag ang inyong anak ay nakaranas ng isang insidenteng nauugnay sa lahi, pasalita o pisikal na panghaharas |
|
Kapag ang inyong anak ay nakaranas ng isang pambu-bully na inilalarawan bilang:
|
|
Mga Template ng Email
Maaari ninyong i-access ang mga mae-edit na template ng email (sa Ingles) sa Google Docs dito!
TEMPLATE 1: PAGPAPAKILALA NG INYONG ANAK AT INYONG SARILI SA GURO SA SIMULA NG TAON
Template ng Email |
Sampol na Email: |
Subject line: Introducing [your child’s name] Dear Ms./Mr./Dr. ______________, My name is ______ and I am [Child’s Name]’s [relationship: parent, aunt, uncle, guardian, etc.]. We are excited to be a part of your classroom this year. As we start the new year, I wanted to share a little about [Child’s Name]. [Child’s Name] enjoys [list a few things that your child enjoys doing, hobbies, and activities], and likes to learn about [list any subjects that your child is interested in]. She/he has many strengths as well, and is [list strengths]. In the past, our child has needed some help in [list topics/areas/tasks] and has benefitted from supports like [supports] to help her/him grow as a student and an individual. The best way to contact me is by [phone/text/email] at [phone number/email address]. The best times to reach me are [days, times of day: morning, afternoon, evenings]. What is the best way to contact you throughout the school year and what is the best way to get help outside of school hours? Thank you in advance for your time. We look forward to a good school year. Sincerely, [Your name] |
Subject line: Introducing Tony Dear Ms./Mr./Dr. ______________, My name is Meihua Zhang and I am Tony’s aunt and caregiver. We are excited to be a part of your classroom this year. As we start the new year, I wanted to share a little about Tony. He enjoys reading, creating art, playing soccer, and likes to learn about current events. He has many strengths as well, and is independent, organized, and thoughtful. In the past, Tony has needed some help in adjusting to new situations and has benefitted from supports like having a consistent schedule, clear expectations, and building a trusting relationship with an adult at the school to help him grow as a student and an individual. The best way to contact me is by text message at 860-XXX-XXXX. The best times to reach me are Monday before noon and Thursdays between 11:00am and 2:00pm. What is the best way to contact you throughout the school year and what is the best way to get help outside of school hours? Thank you in advance for your time. We look forward to a good school year. Sincerely, Meihua Zhang |
TEMPLATE 2: PAGHILING NG TAGAPAGSALIN SA WIKA (PASALITA) O PAGSASALIN NG MGA BABASAHIN (NAKASULAT)
Template ng Email |
Sampol na Email |
Subject line: Request for translated materials and interpretation Dear Ms./Mr./Dr. ________________, My name is ______ and I am [Child’s Name]’s [relationship: parent, aunt, uncle, guardian, etc.]. I speak [language] and would like to have school materials in my home language so I can support my child at home. I would also like to know what interpreter options are available. Thank you in advance for your time. I look forward to learning more about school activities and initiatives and ways that I can continue to support my child. Sincerely, [Your name] |
Subject line: Request for translated materials and interpretation Dear Ms./Mr./Dr. ________________, My name is Yuri Tanaka and I am Maya’s parent. I speak Japanese and would like to have school materials in my home language so I can support my child at home. I would also like to know what interpreter options are available. Thank you in advance for your time. I look forward to learning more about school activities and initiatives and ways that I can continue to support my child. Sincerely, Yuri Tanaka |
TEMPLATE 3: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA COUNSELOR NG PAARALAN/SOCIAL WORKER TUNGKOL SA KALUSUGAN NG PAG-IISIP NG BATA
Template ng Email |
Sampol na Email: |
Subject line: Request for meeting Dear Ms./Mr./Dr. ________________, My name is ______ and I am [Child’s Name]’s [relationship: parent, aunt, uncle, guardian, etc.]. I would like to speak with you because I am worried about my child's mental health. I would like to learn about what services the school can provide to help my child. The best way to contact me is by [phone/text/email] at [phone number/email address]. The best times to reach me are [days, times of day: morning, afternoon, evenings]. Thank you for your time. I look forward to hearing from you. Sincerely, [Your Name] |
Subject line: Request for meeting Dear Ms./Mr./Dr. ________________, My name is Andy Tran and I am Derek’s father. I would like to speak with you because I am worried about Derek’s mental health. I would like to learn about what services the school can provide to help my child. The best way to contact me is by email at [email protected]. The best times to reach me are Monday mornings or Wednesdays after 3pm. Thank you for your time. I look forward to hearing from you. Sincerely, Andy Tran |
TEMPLATE 4: PAKIKIPAG-UGNAYAN SA GURO/TAGAPAYO/COUNSELOR NG PAARALAN TUNGKOL SA INSIDENTE NG PAMBU-BULLY
Template ng Email |
Sampol na Email |
Subject line: Concern about bullying Dear Ms./Mr./Dr. ________________, My name is ______ and I am [Child’s Name]’s [relationship: parent, aunt, uncle, guardian, etc.]. [Child's Name] has been bullied at school and I am requesting [action you would like school to take]. The bullying incident(s) occurred on [date(s) and time(s), be as specific as possible]. The bullying involved [bullying student's information, including name & grade], who [describe how they bullied your child]. As a result of these incidents, [list the negative effects on your child]. I am requesting a meeting with you [list specific time frame] to discuss next steps and interventions to ensure that this bullying will stop. I am attaching the "incident sheet" [see below for template] so that the school can interview witnesses and others involved as you investigate the bullying incident. Once a thorough investigation has been done, please provide the full and final report for us to see. School is supposed to be a safe space for all students and it’s the school’s responsibility to provide an environment where everyone can thrive, including [Child's name]. The best way to contact me is by [phone/text/email] at [phone number/email address]. [If desired: Please keep this information confidential until our meeting.] Best, [Your Name] |
Subject line: Concern about bullying Dear Ms./Mr./Dr. ________________, My name is Kris Bui and I am Sam’s guardian. Sam has been bullied at school and I am requesting an investigation and a prompt response from the school district to ensure that it will stop. The bullying incidents occurred on 10/4, 10/11, and 10/29 immediately after school as they transitioned to the bus in the library hallway. The bullying involved 10th graders (name of student) and (name of student) who repeatedly slammed Sam into the lockers while a 9th grader (name of student) threw Sam’s phone on the ground. (name of student) and (name of student) witnessed the incidents, and the 11th grade English teacher was finally able to disrupt the incident enough for other teachers to help. As a result of these incidents, he has missed school due to stress related stomach issues and is refusing to go back to school. I am requesting a meeting with you this week to discuss next steps and interventions to ensure that this bullying will stop. I am attaching the “incident sheet” so that the school can interview witnesses and others involved as you investigate the bullying incident. Once a thorough investigation has been done, please provide the full and final report for us to see. School is supposed to be a safe space for all students and it’s the school’s responsibility to provide an environment where everyone can thrive, including Sam. The best way to contact me is by email ([email protected]) or phone call at 860-XXX-XXXX. Best, Kris Bui |
TEMPLATE NG INCIDENT SHEET
Lumikha ng hiwalay na incident sheet para sa bawat insidente. I-download ang template sa Google Docs dito.
Petsa/Oras ng Insidente |
Punan |
Mga Sangkot na Bata |
Punan, kabilang ang mga nakamasid sa paligid |
Lokasyon ng Insidente |
Hal., palaruan, cafeteria, pasilyo, online |
Uri ng Insidente |
Hal., pisikal, pasalita, online |
Uri ng Panghaharas |
Hal., rasista, panrelihiyon, pangkultura, sekswal, kapansanan, kasarian, LGBTQ, mga kalagayan sa tahanan, sosyoekonomikong katayuan |
Maikling Buod ng Insidente at Epekto sa Bata |
Punan at kunan ng mga litrato ang anumang pinsala, o mga screenshot ng mga online na insidente |
Mga Pahayag mula sa mga Saksi/Nakamasid sa Paligid |
Punan |
Tauhan ng Paaralan kung Kanino Iniulat ang Insidente |
Punan at panatilihin ang lahat ng rekord ng komunikasyon |
Pinagkasunduang Aksyon ng Paaralan |
Punan |
Follow-Up na Komunikasyon o Aksyon sa Paaralan |
Punan |
Talking to Kids about Race:
"Bullying & Bias," Learning for Justice (https://www.learningforjustice.org/topics/bullying-bias?gclid=CjwKCAjwg4-EBhBwEiwAzYAlsm-nKZvmH-CifnIUBSbkcYKdOGFcOukApRrqMY_TpwQEfHJLIrax1hoC4KUQAvD_BwE)
"How to Resolve Racially Stressful Situations," Howard C. Stevenson, TedTalk (https://www.ted.com/talks/howard_c_stevenson_how_to_resolve_racially_stressful_situations?language=en)
Resmaa Menakem, My Grandmother's Hands: Racialized Trauma and the Pathway to Mending Our Hearts and Bodies (Book)
"Our Black History Month Reading List for Asian Americans," 18 Million Rising (https://18millionrising.org/2020/02/bhm_reads.html).
"How to Talk to Your Kids About Anti-Racism: A List of Resources," PBS (https://www.pbssocal.org/education/how-to-talk-to-your-kids-about-anti-racism-a-list-of-resources)
Howard C. Stevenson, Promoting Racial Literacy in Schools: Differences that Make a Difference (Book)
"Storytelling for Social Justice," Lee Anne Bell, Harvard Educational Review (https://www.hepg.org/her-home/issues/harvard-educational-review-volume-81-number-2/herbooknote/storytelling-for-social-justice_363)
Asian American History:
Erika Lee, The Making of Asian America (Book)
Shelley Sang-Hee Lee, A New History of Asian America (Book)
PBS, Asian Americans (film series), (www.pbs.org/weta/asian-americans/)
Lesson plans based on the PBS series (pbslearningmedia.org/collection/asian-americans-pbs/)
IH's lesson plans on Asian American History (www.immigranthistory.org/lessonplans.html)